Thursday, April 25, 2013

More Than Words 1 (3)




XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX


Isang matinis na boses, Oo, Sigurado ako nang panahong iyon, boses nga ng isang babae ang nasa loob ng kwarto ni Timo kasama nya.


Hindi ko alam kung anung klase nang emosyon ang ipapakita ko.


Galit ba?!


Galit, dahil nakuha pa nyang mag uwi dito ng kaniig nya sa unang araw nya palang na kasama ako, pero kung tutuusin wala akong ni katiting na karapatan para pakialaman sya, ka board kulang naman sya at higit sa lahat, wala akung karapatan dahil wala namang namamagitan sa amin na sa tingin koy imposible talaga, lalake si Timo, pinapahirapan ko lang ang aking sarili sa lalaking ni hindi ko nga maintindihan kung itinuturing parin akung kaibigan.


Selos ba?!


Selos, dahil aaminin kung nananatili parin itong nararamdaman ko sa kanya mula pa nang bata kami, sadyang napakatagal kung inilihim ang damdamin kung ito.


Nakaramdam ako ng sakit…


Sakit, dahil mataas ang tingin ko sa kanya at hindi ko inaasahan na masasaktan ako sa masasaksihan ko. Ipinamukha nya lang sa akin na tigilan kuna ang kahibangan ko dahil ni kaylanman ay hindi sya mapapasa akin. Ang lalake ay para sa babae at walang lugar ang nasa ikatlong uri para mahalin nang lubusan.


Unti-unti kung binuksan ang pinto nang hindi nila nalalaman, alam ko naman kasi ang posibleng mangyari kapag magkasama ang isang babae at lalake sa isang kwarto, ngunit mapilit parin ang utak ko na kailangan ay masaksihan nang dalawang mata ko ang mga pangyayari.


May naririnig akung mga boses, pero hindi ito nag uusap, sa halip ay mga ungol ang aking naririnig, bigla akung nanlamig, iniisip ko na mali ang aking ginagawa, lumalagpas na ata ako sa aking limitasyon, pero bago ko man naisipang muling isara ang pinto upang hayaan sila ay nakita kuna sila sa kanilang ginagawa, tama nga ako, nagniniig nga ang dalawang tao, ipinag-iisa nila ang kanilang mga sarili sa oras na iyon.


Agad akung pumunta sa aking kwarto, nanghihina ako, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, gusto ko nang maging umaga agad ang lahat upang hindi kuna masaksihan pa ang mga nangyayaring pagniniig, bigla nalang tumulo ang aking luha, tumulo ito nang tumulo, hanggang sa hindi kuna kinaya, umiyak na ako, umiiyak na ako dahil masakit, sobrang sakit pala,.. parang piniga ang puso ko sa aking nakita,
   

“Bakit ako nagkakaganito? Kailangan ko ba talaga umiyak??” tanung ko sa aking sarili.


Isinubsob ko ang aking mukha sa unan upang hindi nila marinig na aking paghikbi, batid kung wala naman talaga akung karapatan para umiyak ng mga sandaling iyon, pero hindi kayang pigilan ng utak ko ang syang tunay na nararamdaman ng puso ko, “hindi na sya kailanman magiging akin, malayo na nga sya sa taong aking hinangaan noon. Hindi na sya ang Timo na kinalakihan ko” pag intindi ko sa aking sarili.



Pumunta ako sa kanilang bahay sa kabilang kanto ng subdibision, ilang lingo narin kasi syang hindi nagpapakita sa akin na hindi karaniwan sa aming dalawa noon, ngunit wala akong natagpuang Timothy sa kanilang bahay, bagkus wala na ngang nakatira ngayun sa kanila, puno ng pagdududa ang aking isipan..


“Timo, asan ka?!” ilang oras akung nag antay sa harapan ng kanilang bahay, umaasang baka bumalik sya.


“Wala nang tao dyan Hijo, umalis na sila nung isang araw pa” ang sabi ng isang matandang babae sa aking harapan.


“Bakit daw po?” pagtatanung ko sa matanda.


“umuwi na nang probinsya, dun nadaw sila titira para asikasuhin ang kanilang mga lupain” yan ang pagkakarinig ko sa babae.


Tila ako, binagsakan nang malaking bato noon, nanlumo ako, hindi ko matanggap na nawala nalang nang ganoon kadali ang taong lihim kung minahal.


Wala ako sa sariling pumunta sa paborito naming parke noon,naglalakad, mabagal at walang buhay na naglakad, inaalala ang mga sandali at pangyayari na tila ba kahapon lang nangyari kasama sya.


“Ang daya mo, adik ka talaga!!!!. Bakit dika man lang nagpaalam sa akin, baliw ka.. asan kana ba? Hindi muba alam na mamimiss kita dahil wala kana ngayon, makasarili ka, hindi mu man lang ako inisip o nagpaalam man lang.” saad ko sa aking sarili habang umiiyak sa parke, wala na akung pakialam nun, Makita man ako nilang lumuluha.




“hanggang kaylan muba ako paiiyakin ng hindi mo alam hah?..” tanung ko sa sarili ko para sa kanya, umaagos parin ang aking luha sa pisngi kahit hindi na ito kalakasan.


“Ayoko na, hindi kuna hahayaan ang sarili ko na magkaganito ulit” saad ko sa sarili ko habang nagpupunas ng luha, mabigat ang pakiramdam ko nang gabing iyon, Hindi ko nalang namalayan na kinatulugan ko nalang pala ang pag iyak ko.




Kinabukasan, …


“Good Morning!!!” - isang masigla nyang pagbati sa akin habang ako naman ay wala pa sa hulog na bumangon.


“Nakuha mo pang, mag good morning, impakto ka!!” saad ko sa aking sarili.


Pumunta ako sa kusina para sana magluto, ngunit ang lahat ay naka ayos na, luto na ang agahan. Nagulat ako, hindi naman kasi marunong magluto ang lalaking ito.


“Eehhheeemmmm” pag aagaw nia nang atensyon sa akin, kasabay noon ang tila ba pagmamalaki nya sa kanyang nagawa..


Parang hangin ku lang din syang nilagpasan sa kusina at sumalampak sa sofa upang manood nang T.V.


“kumain kana oh, tara sabay na tayo, sayang naman tong niluto ko” pag aanyaya nya sa akin
Ngunit sa halip na paunlakan sya sa kanyang pag anyaya ay lumabas ako nang hindi nagpapasabi sa kanya, pag balik ko ay may dala na akung sarili kung almusal na kakainin, nakasalampak uli ako sa sofa habang nanonood, sya naman ay ipinagtataka ang aking kinikilos.


“huy, bakit kapa bumili? masisira lang ito oh, hindi ko naman kayang ubusin yan eh” malungkot na pagkakasabi nya sa akin, kilala nya ako, tahimik akong tao pero gamay nya ang ugali ko, alam nyang wala ako sa hulog nang kapanahulang iyon.


“May Problema ba?? Uy,,.. kausapin mo naman ako Oh” nalungkot nyang paglalambing sa akin, sabay nyang iniyuyuyog ang kanyang kamay sa aking balikat.


Tinignan ko sya ng masama, bigla nyang tinanggal ang kanyang kamay sa pinagpatungan nito kanina at muli ko uling itinuon ang aking sarili sa T.V. para manuod.


“Putek,. Naman oh.. ano ba kasing problema?, bakit kaba nagkakaganyan, wala naman akong ginawa sayo ah!!!” bigla nyang sambit sa akin na may kasamang pagdadabog, naasar narin ang gago sa aking ikinilos.


“Problema?!, ikaw ang problema… dapat gumawa tayo nang batas dito sa loob ng bahay kung ano ang pwede sa hindi” sabi ko naman sa kanya.


“Eh ano bang ipinuputok nang butse mo jan??”


“Respeto Timo!!!, Konting respeto naman para sa akin, hindi lang ikaw ang nakatira dito” ang sabi ko sa kanya.


“direktahin mo nga ako kung anong problema ko, putek naman oh”


“ayoko nang nag uuwi ka ng kung sino sino dito, at please lang, bahay ito, hindi ito motel” pagkakasabi ko nalang.


“So ayun,… lumabas din… eh bakit ba?? Ka board lang naman kita ah, tsaka ano naman sayo kung magdala ako, eh syota ko iyon, hindi naman sa kwarto mo kami nag se sex eh, sa kwarto ko at saka bakit ka nakikialam sa mga bagay na dapat ay pribado” pagkakasabi nya sa akin, ganun talaga kasi ka prangka ang taong ito.


Medjo natauhan ako sa mga sinabi nya,, Oo nga naman.. lumalagpas na ako sa aking limitasyon sa pakikialam ko sa kanya at ako pa itong may ganang magalit..


“Ang akin lang naman, bigyan mo ng kaunting kahihiyan ang iba pang nakatira dito, hindi ako sanay sa mga ganung bagay” pag aalinlangan kung pagkakasabi sa kanya.


“Alam mo bang natuwa ako nang ikaw ang bumungad dito? Kasi ngayun lang tayo uli nagkita, pero wala Karin naman halos pinagkaiba na sa mga magulang ko na pilit kung tinatakasan ih.. wala!!!” saad ni Timo sa akin, sabay ang paglabas nya ng bahay.


Medyo nasaktan ako sa ipinamukha nya sa akin, hindi ko tuloy alam ngayon kung mali ba o tama lang ang akin ikinilos sa kanya, binata na nga si Timo, hindi na sya kailangan pang pagsabihan ng mga bagay bagay.


“kung natuwa ka, bakit hindi mo man lang ako pinansin nung dumaan ako nung gabing iyon?, kung natuwa ka, bakit inuna mupa sila kumpara sa akin?, ni hindi mo rin agad ipinaliwanag kung bakit bigla mu nalang ako iniwan dati” saad ko sa aking sarili, hindi muna ako masasaktan pang muli tama lang ang ginawa ko sa iyo.


Lumipas din ang napakaraming araw, pero hindi parin kami nagkakaayos ni Timo, hindi narin ako umasa, ikinintal ko nalang sa aking isipan na kaylan man ay hindi na dapat sya maging parte pa ng buhay ko, sa tuwing kaming dalawa lang ang nandoon sa bahay, ay tahimik lang ako, panay Oo at Hindi lang ang isinasagot ko sa kanya, umiiwas ako sa mga bagay na maghahatid sa amin para makapag usap ng matagal, ramdam ko man na gustong gusto na akong kausapin ni Timo, ngunit naging matigas ako, 


“Hanggang kasamahan nalang sa boarding na ito ang dapat na maging ugnayan natin” saad ko sa aking sarili.




Dumating narin ang araw ng pasukan sa aming unibersidad…


“PprReeeENnDddd” pasigaw na sabi ni Aiza nang Makita nya ako sa Hallway ng School.


“How are you? Its been a long time ah.. grabe ka, hindi muko tinatawagan? How’s your vacation?” excited na tanung sa akin ng bruha.


“Its Fine, andun lang naman ako sa bahay magdamag eh, so ikaw naman kamusta?”


“well same lang, sa bahay, sa bahay ng mga friends ko at sa bahay uli, how boring nga eh” saad nya saken.


hindi muba pansin? Marami tayung transferry ngayung school year….” Muling pagkausap niya sa akin.


“hay.. eto na naman tayo” yan na lang ang masasabi ko sa aking isipan, walang tigil na naman ito kakadaldal ng mga non sense na bagay, pero kahit ganoon sya, eh.. na miss ko talaga ang bhurang ito.


“huy.. nakikinig kaba?? Look theres a lot of cute, hunk and hot guys now, tignan mo iyon, si Jervin iyan, 3rd year transferry, nursing student. And the one who’s wearing dark polo, he’s very hunk talaga, si Angelo iyan, from Electronics naman daw iyan”


Hinahayaan ko nalang syang nagsasalita, umaakto nalang akong nakikinig sa kanya ngunit ang totoo ay hindi, tinitignan ko ang kabuuan ng campus, malaki din ito. Maraming estyudante iniisip ko na bawat tao ditto, ay may ibat ibang personalidad, pag uugali at ibat iba pang makikita na nakakatuwang pagmasdan.


“Yun naman daw si Eugene, Engineering student naman ang kinukuha nya.


Shocksss… grabe, bagay talaga sa kanya ang damit nya, he’s sooo HOOOTTT… alam mu ba kahit 2nd year palang yan ih.. ang lakas na ng appeal nyan kahit sa mga seniors.. I want him talaga.. ang swerte naman ng magiging jowa niya haizt” huling saad ni Aiza na nag pukaw sa aking atensyon.


Tumingin ako sa direksyon na tinitignan ni Aiza, at nakita ko nga ang isang gwapong lalake na nakaupo sa isang bench, si Timo nga ang kanyang tinutukoy…


“Ahh,, cute ba sya para sa iyo? Hindi naman ah” saad ko kay aiza.


“Ano kaba friend, Banlag kaba? O nagbubulag bulagan kalang?, Look!!!, Maputi, Flawless, Malakas ang sex appeal, mapula ang lips, parang hindi sya nag smoke. then, matangos ang ilong, maganda ang mata Ooohhh may Ggaawwwddd!!! Sya na!!!” saad ni aiza na hindi naman mapigilang kiligin sa mga pinagsasabi.


“Oww may Gosh!!! Friend! papalapit sya ditto, Anung gagawin ko??” biglang pagkakasabi ni aiza na aking ikinagulat naman, papalapit nga si Timo sa direksyon namin ni Aiza, nakatinggin syang diretso sa aking mga mata, balak nya akong kausapin, ngunit hindi ko alam kung ano ang itatanung nya sa akin..


Kung itinuturing na syang campus crush ngayon, ayokong malaman ni aiza at nang ibang mga babae na humahanga sa kanya ng magkakilala kami, at mas lalong ayokong malaman nila na iisa lang ang bahay na aming tinutuluyan, sa isip isip ko kasi mas lalong magiging kumplikado ang lahat sa aking paligid kapag nangyari iyon.


Kinakabahan na ako sa aking kinatatayuan, natutuyo na ang aking lalamunan at pinagpapawisan na ako ng malamig, nakayuko lang ako habang ramdam kung malapit na malapit na sya sa aming harapan habang si aiza naman ay dirin maitago ang kilig at gulat kung bakit lumalapit ang isang gwapong lalaki sa aming mga simple, wirdo at nerd na estyudante ng campus…



KKkrrriiinnggg!!!!!!!



Tunog iyon ng bell, hudyat na kailangan nang pumasok ng mga estudyante sa kani-kanilang silid sa pagsisimula nang klase.


“huy tara na..”” pag aanyaya ko kay aiza na walang ginawa kundi ang parang poste na nakatitig sa matangkad na lalake papalapit sa aming harapan


“teka lang, malapit na sya oh” muling pagpipigil nia sa akin


“bahala ka jan.. galingan mo makipag usap hah” at bigla ko syang iniwan, lumingon ako at nakita kung nataranta si aiza nung wala nako sa tabi nya, nasa harapan na nya si timo, ngunit nakita ko rin na sa akin nakatingin diretso ang mga mata nya, wari ba’y may importanteng sasabihin na hindi pwedeng ipagpabukas..


Nung natapos ang klase nang araw na iyon, parehas na kaming umuwi ni aiza, wala parin syang ibang bukang bibig kundi ang mga lalake sa aming campus, para tuloy pumasok lang sya dahil dun, ewan ko ba kung normal paba sya sa mga ikinikilos nya. Lalo na nung sitwasyong tila sya isang poste sa harapan ni timothy, sabay naming pinagtatawanan ang reaksyon nyang iyon.


Pagkarating ko sa boarding house ay wala pang tao, hindi ko naman talaga inasahan na nandun na sya, nakipagkita pa siguro sa mga barkada nya ngayon.



Kumain ako mag-isa, naglinis ng kaunting kalat sa bahay at habang naglilinis ay napansin ko ang isang magandang tanawin sa kalagitan nang gabi, nagniningning na parang maliliit na perlas ang mga bituin sa langit, sadyang maaliwalas ang panahong iyon sa gitna ng isang magulong syudad, inakyat ko ang isang hagdan sa terrace papunta sa pinaka mataas na parte nang bahay na iyon, naglatag ako ng doon, ninanamnam ang bihirang pagkakataong mapansin at Makita ko ang mga bituin sa langit, nakakawala ito ng pagod,.. tinuturuan ako nitong ngumiti sa gitna ng mga unos sa akin buhay.


Hindi ko namalayan na kinatulugan ko ang pagmamasid sa langit, naalimpungatan nalang ako nung naramdaman ko nang may isang nilalang sa aking tabi na hindi ko sinasadyang mayakap sa kalagitnaan ng aking mahimbing na tulog, inaninag ko parin kung sino ang tao sa aking tabi.



Si timo…



Si timothy nga… habang nakangiting pinagmamasdan ang mga bituin, bigla akong napabalikwas at umupo sa aking pagkakayakap sa kanya.


“Ang ganda ng mga bituin noh?” bungad na tanong nya sa akin.


“bakit ka nandito? Pano mo nalamang andito ako?” balik na tanong ko naman sa kanya..


“Nakita ko kasing nakababa ang hagdan, nagbasakali akong umakyat ka, humihilik ka pa nga nung nakita kita eh” nakangiti parin nyang sabi sa akin.


“Aahh” isang maikling sagot ko sa kanya, matagal na namatay ang sandali, wala ni isa sa amin ang naglalakas loob para sundan pa nang isang tanong… nagkasya na kaming pagmasdan parin ang langit, hindi parin humuhupa ang ningning nito… humiga ulit ako ngunit malayo ang agwat sa kanya…


“Kamusta kana?” isang pagsisimula na tanong nya sa akin.


Matagal nai proseso nang utak ko ang kanyang sinabi, hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko, tinatanong ba nya kung kamusta na ako buhat nang umalis sya ng mga bata pa kami o isang kaswal na tanung lang kung kamusta na ako sa aking pag-aaral at mga simpleng bagay..


“Ok naman” isang matipid na sagot ko sa kanya.


“sorry ah!!!”


“Bakit ka nag so sorry? Para saan?”


“Sorry,, Basta sorry,,”


Nananahimik lang ako ng mga sandaling iyon, hindi ko kasi sya maintindihan kung para saan ba ang paghingi nya nang tawad, muli syang nagsalita nung aktong tatayo nako pababa sa hagdanan


“Sorry, kasi hindi nako nakapag pa alam nung umalis ako”


“sorry, kasi hindi ako nag iwan nang kahit na ano para magkaroon pa tayo nang ugnayan, kahit na malayo ako”


Hindi na ako nag sasalita nang mga oras nayun, medyo mabigat na kasi ang mga sinabi nya, mga bagay na matagal ko nang gustong marinig sa kanya.


“Sorry, kasi hindi kita pinansin nung isang gabi na nakasalubong mo ako, hindi ko kasi alam kung ano ang reaksyong ipapakita ko sayo,”


“Sorry kung nabastos kita, sorry kung nagdala ako nang babae dito, pangako, hindi kuna ulit gagawin yon”


“Sorry kasi naging tanga na naman ako!!!, nahihiya na kasi ako sayo eh, hindi kuna alam kung anong direksyon ang pupuntahan ko,. Mario Pansinin mo na uli ako oh, gusto kunang makausap at makaharutan ang bestfriend ko dati, patawarin muna ako please” isang gumagaralgal na boses na ang aking narinig sa kanya.


Tumingin ako sa kanya  


Nakita ko syang sinsero sa kanyang sinasabi, hindi ko magawang umalis, nangingilid na nang luha ang aking mga mata..


“bakit mo ginawa iyon?? Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Bakit kapa bumalik? Bakit muba ginawa sa akin to? Mukha akong tanga sa kakaantay sayo Timo, kung alam mulang” …  Nakayuko ako habang sinasabi ang mga katagang iyon, tuluyan nang tumulo ang aking mga luha, hindi kuna napigilan pa ang aking sarili, umiiyak na ako sa harapan nya, yun kasi ang mga tanong na matagal kunang gustong sabihin sa kanya, ngunit halos ibinaoon kuna iyon sa pinakamalalim na parte ng aking pagkatao dahil hindi na ako umasa pa na magkikita kami at ang matindi nito ay magkasama uli sa iisang bahay lang…


naramdaman kung lumalapit sya, nagulat ako, nang unti unti nyang idinidikit ang kanyang katawan sa akin, initaas nya ang kanyang kamay, hanggang napagtanto kuna lamang na niyakap na nya ako, yakap iyon nang isang taong tunay na nangungulila sa akin,.


“Sorry, I miss you, Mario!!!”


Niyakap ko narin sya, hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, ipinadama ko na ako man din ay higit na nangulila sa kanya… ilang minuto din kaming ganoon lamang ng sandal sa bubungan ng bahay..


“Miss nadin kita, Timo!!! Miss na miss na kita”


Natapos ang gabing iyon na magaan na ang aking pakiramdam, parehas kaming maaliwalas na ang mga ngiti, tulad nang pagkaaliwalas sa kalangitang iyon. Higit ngang marami na kaming napagdaanan para itapon lang nang ganoon ang pagkakaibigan naming na binuo nung mga bata pa kami.





Itutuloy.......

No comments:

Post a Comment