Monday, April 1, 2013

More Than Words 1 (1)


"Hindi kabawasan ng pagkatao ang pagtanggap sa katotohanang nagmahal tayo ng kapwa natin, para siguro sa ibang hindi tanggap ang ganitong katotohanan, maaring mababa ang tingin nila sa atin, pero kung ikaw mismo ay ganoon kababa ang tingin mo, dahil pinili mu lang naman ang taong dahilan ng iyong pag ngiti sa umaga at gustong kayakap bago matulog sa gabi ay lalo mulang ididiin ang iyong sarili sa kawalan, tao ka lang, nagmahal ka lamang, ang pinagkaiba ngalang taliwas ang iyong pagmamahal sa dikta ng lipunan"

Yan ang mga Katagang kumintal sa aking isipan, nung simulang tanggapin ko ang katotohanang naiiba ako kumpara sa ibang mga lalake, ngunit kalakip pala nang pagtanggap sa ganitong katotohan ay ang pagtanggap narin na kakambal nito ang salitang sakit at pagdurusa.

Ako si Mario, at ito ang aking kwento:





“Napansin ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa isang pamilyar na lugar, isang lugar na hindi lang basta normal para sa akin, kundi isang lugar na napakarami kung alaalang lumipas, nakita ko ang isang lalaking nakatalikod, hindi ko maaninag ang kanyang mukha, sa kadahilanang hindi ko rin alam, unti-unti syang nawawala, unti-unti syang lumalayo, pilit ko syang hinahabol at inaabot ngunit mas lalo lamang itong naglalaho. Pinilit ko parin hanggang sa nahawakan ko ang kanyang balikat, interesado akong malaman kung sino sya at kung bakit kailangan maging interesado ako sa kanya. hanggang…”

Hoy,, MARIO!!!!!... binabangungot ka ata.. ungol ka ng ungol dyan… gising na uy…

Si mama… panaginip lang pala…

“5:30am. Ma naman ihhh!!!… ang aga-aga pa oh.. nananaginip kaya ako!!!”…

“Panaginip ka dyan… bumangon kana at mahuhuli kana na naman sa klase mo”

“5 minutes Ma…”

Natulog uli ako, muling ginagalugad ang naudlot na panaginip at habang nakapikit...

“Sino kaya ‘yun?... Saad ko sa sarili ko, bakit kaya parang kilala ko sya.. sya na kaya ang prince charming ko??.. hihihi.. kainis naman, hindi kuna maibalik ang panaginip ko.. hay.. sarap matulog….”

Lumipas ang ilang sandali…


KRINNGGG!!!! KRINNGGG!!!...

Alarm clock,…

7:00am Oh Shiiitt…

Hindi ko pala nai set kagabi…  God Late nako!!!..

Dalidali akung napabangon at bumaba galing sa kwarto para maligo, nakita ko ang aking ama habang nagka kape na nakasimangot ang mukha at halatang galit narin.

“Sinabihan kana nang mama mo na bumangon kana, ayan tuloy unang klase mo sa kolehiyo late ka agad”

“Pa,… saka muna ako sermonan, late na kaya ako. Ligo muna ako”

“Pumunta na mama mo sa mall, nag-iwan jan sa table nang allowance mo”
Dali-dali akong naligo, nagbihis at nag-ayos, hinalikan ko ang aking ama sa pisngi at nagpaalam

“Nakakahiya, unang pasok ko, late agad. Wow!!!”

May kalayuan pa naman ang aking pinapasukang unibersidad mula sa aming tinitirhan.

“Room 304” asan ka??!!!.. ayun,..  God, may nagka klase na nakakahiya.. tok tok tok…

“Good Morning…… Sorry Sir, I’m late”

“Oh!!! First day of the class we have late, do you know what really time it is?,… You’re too early for tomorrow” sabi nang isang matandang lalake na nasa harapan ng klase na ipinaglihi ata sa sama nang loob dahil sa tabas nang kanyang mukha..

“I-I’m sorry po” paghingi ko nang tawad sa kanya

“Introduce yourself first”

“I, I’am Mario Marasigan, 17 years old from Rodriguez, Rizal”

“So why are you late Mr. Marasigan?”

“I just have to take my younger brothers in school and considering the distance between my house at school, that causes me also to delay entering the class” balubaluktot kung pagsisinungaling, paghahanap nang alibi at pangangatwiran sa kanya.

“It is not a valid reason for me, you know that you travels a lot, then why don’t you go it earlier, dapat 5am palang umaalis kana sa inyo, hindi pwede na every day mo iyan gagawin sa akin or else better drop my subject” seryoso niyang pagkakasabi sa akin.

“Shiitt, Unang araw, ganito agad badtrip naman oh..” saad ko sa aking sarili.

“Take your sit, Mr. Marasigan”

Naghanap ako nang bakanteng mauupuan, nakayuko lamang ako dahil ramdam ko na sa akin nakatingin ang lahat nang estudyante sa silid aralan na iyon.

Nakakita ako nang bakanteng upuan, nakita ko ang isang babaeng nakangiti at interesado naman akong pa upuin sa kanyang tabi.

“Ganyan daw talaga si sir, maiinitin ang ulo” bulong nang isang babae na halatang mas gusto pa atang makipag chismisan kaysa sa pakinggan ang sinasabi nang aming guro sa klase na iyon.

“Ok lang, kasalanan ko naman ih” pagsagot ko sa kanya

“Ahh, sa susunod, maaga ka nalang or mag board ka nalang dito” pangungusap nya uli sa akin

“Magandang Idea yan” Pagsang ayon ko sa idea na mag board nalang ako malapit sa eskwelahan.  

“Aiza nga pala” muli nyang pakilala sakin kalakip ang isang ngiti

“EeeHhheeemmppfff, Mr. Marasigan and the women sitting behind you” mukhang busy kayo sa pinag uusapan nyo ah… baka gusto ninyong ibahagi sa amin yan, both of you seems no longer interested in my class, why would you like to leave the classroom respectively?!! Saad nang instructor namin na hindi ko maintinduhan kung bakit parati ako ang nakikita

Parehas kaming napatameme, at nanahimik sa tabi ni Aiza, higit ang aking pagkapahiya dahil sa unang araw ay dalawang beses akung napansin nang ganun…

Dumaan nang mabilis ang isang buong araw, napagod ngunit sabik sa bagong mundong aking ginagalawan ngayun at higit sa lahat, badtrip!!

“Ahayyysss” kasabay nang isang malakas na buntong hininga, habang naglalakad papalapit na sa aming bahay..

“So… how’s the first day of College?” tanung ng aking ina..

“Not fine…” saad ko sabay ang pagkabusangot nang aking mukha

“What happen?” pagtatanung ni mama sa akin

“I entered late, therefore everybody was staring at me, which I don’t really like it and besides one of my Instructor got mad of me because I’m late” pagsusumbong ko sa aking ina

“So what’s new for that?” everybody here in the house is expecting you to enter late, ever since elementary…

“Ma,!!! My point is, Can I take a boarding house nearby the school? So that I can enter early in the morning?…”

“No!!, a big NO!!! gumising ka nang maaga, yan ang pinakamaganda mung gawin sa problema mo”

“Okey fine!!!”

Alam ko kasing hindi naman talaga ako pagbibigyan nang aking ina, matibay sya lalo na sa mga paninindigan.

Lumipas ang mga araw na naging normal na ang lahat, marami narin akong nakikilala sa eskwelahan, ngunit sadya lang talagang hindi ako pala kaibigan, isa lang ang syang tunay kung kadikit, si Aiza ang babaeng hindi tumutikom ang bunganga.

“Mario? Can I ask you for something?” Pag aalinlangan tanung ni aiza sa akin

“What?” saad ko sa kanya habang naglalakad kami sa campus papauwi sa aming mga bahay

“Don’t get rude or offend to my question hah, because it bothers me a lot and really confuse about it” pangunguna nyang sabi sakin

“What is that, all about?” saad ko naman sa kanya na may halong pag aalala narin

“AaHhmm,,… are you gay? Because sometimes I notice a manifestations of being a gay to you, especially when there a cute little guys behind us or something like that…” nakayuko at dirediretso nyang sinabi sa akin.

nagulat nalang ako sa kanyang sinabi at napangiti.

Napangiti dahil Hindi ko inasahan ang mga salitang iyon mula sa kanya, pero hindi na malaking issue para sa akin iyon, tanggap kuna ang tunay na ako.

Tumingin ako sa malayo, nag-iisip na hindi ko naman kailangan ikubli ang aking sekswalidad, dahil ako lang din ang naman mahihirapan.

“Theres no something big issue about it” and yes, I’am a bisexual, hindi mo naman siguro ako itatakwil diba?. Sagot ko sa kanyang pag aalinlangang tanong kanina.

“OMG!!! Really?... hindi kasi talaga halata?... you know the reasons why I’m too close sayo?? Kasi type kita,….. Look Mario.. You have the looks, an ideal guy and a smart person, but all of a sudden, you’re a gay??!!” gulat nyang saad sakin, dahil na siguro sa hindi pa nya maproseso sa utak nia ang mga sinabi ko..

“Hindi naman kita pinipilit na tanggapin ako eh” malungkot kung sabi sa kanya,

“No, no, no, no, no… I’m just really shock on what have you said to me, Para tuloy natunaw na icecream ang pagpapantasya ko sayo”..

“So… pinagpapantasyanhan mo ako??” muling tanong at paglilinaw ko sa kanya

“It’s not like that!!! I’m just hoping that someday we’ve ment to be, and for now… I realize that you are not only attracted for chicks but especially also for dicks” nakakasar na pang aalaska nia sakin,

Sabay kaming tumawa nang malakas sa sinabi nyang iyon, at ang lahat ay umayon naman sa dapat nitong pag ayunan.

Simula noon ay higit na nagging masclose kami ni aiza, doon ko lang din nalaman, mas bakla pa pala sya sa akin… higit na mas alam pa niya ang mga gay s;ang/lingo kaysa sa akin.

Actually maganda Aiza, marami din naman syang admirer, she’s a kind of girl na medyo sports ang hanap, napaka dali niang makasundo at makulit talaga, kung isang tunay na lalaki lang talaga ang magiging kadikit nya eh, hindi malayong magkagusto sya sa itinuturing kunang bestfriend ngayon.

Pero kalianman ay hindi pumasok sa isip ko na magkagusto sa kanya at lalong hindi rin pumasok sa isip ko na may gusto pala sia sa akin, sapat nang andyan sya para sa akin at narito ako para sa kanya..

Napakabilis lumipas nang panahon, bakasyon na at mag se second year na pala ako. nag excel naman ako sa class, na syang expected sakin nang mga magulang ko. Binigyan narin ako halos nang respeto ng mga classmates ko at ng akin mga guro, pero nandun parin na lagi akong late sa klase, yun kasi talaga ang loopholes ko. Hanggang…..

“Mario, Nakapag-usap kami nang kaibigan ko sa probinsya, may anak syang mag ta transfer dito at dun din sa school nyo mag aaral” pangungusap sa akin ni mama isang gabi nung kumakain kami..

“So anu naman ma?” pamimilosopo kung tanung sa kanya

Naghahanap si kumare nang makakahati sa boarding house ng anak nya and since then, lagi naman idinudulog nang mga instructors mo ang pagiging late mo, papayag nakong mag board ka.

Ayoko sana dahil gusto kung matuto kang maging punctual sa lahat ng oras, pero mapilit si kumara eh.

Biglang kuminang ang aking mata sa sinabi nang aking ina, humarap ako sa akin ama at nakita ko ang kanyang pag sang ayon.

“Wow!! Thank you Ma!! ang bait nio naman ngayun. Totoo ba yan.. Ma,? baka pagod kayo gusto ninyong magpahilot ni papa?, willing ako!!…” Saad ko sa kanila.. kasabay narin ang pagpapalubag loob, ipinagdarasal na wag nang baguhin ni mama ang kanyang desisyon.

“Sa wakas, magiging Malaya narin ako, I can do whatever I want and I feel free for that, whahahaha” bulong ko sa aking isipan

“Pero may mga kundisyon” sabi nang aking ama

“hah???” gulat kung reaksyon, nung nakita nilang hindi maialis sa akin mukha ang pagkasabik at saya..


Una - wag kang gagawa ng mga bagay na pwede mung ikahiya
Pangalawa – dodoblehin mo ang pagsisikap mo sa pag aaral
Pangatlo – hindi kana pwedeng ma late, dahil hahanap kami ng pinakamalapit na boarding house sa eskwelahan

“hon, may idadagdag kapa?” sabi ni papa

“hihilutin daw tayo nang anak mo, narinig mo iyon diba?” sagot naman ni mama

“Grabe naman, pero ayos lang, medyo magagaan lang naman ang mga kundisyones nila” ang mahalaga, may matatawag nakung boarding house..

Nung bakasyon ding iyon ay nakahanap kami ng apartment at nag simula narin akung maglipat nang mga kaunting gamit.

“eh, Ma. Sino ba daw ba iyong makakasama ko?” tanung ko

“Lalake” sabi ni mama

“talaga?!!” sabay ang isang mapanuring ngiti

“ang landi mo” sabay batok ni mama sa aking ikinilos

“tandaan mo ang isang kondisyon, wag kang gagawa ng mga bagay na maaari mung ikahiya, tanggap ka namin anak, pero hindi lahat ng tao ay kaya kang intindihin, ibalanse mo ang mga bagay bagay sa paligid, at pag isipan mo nang sampung beses bago mo gawin hah, malaki kana alam mo na ang pikapapahamak mo”

“Opo ma, syempre naman noh” sabay ang paglalambing sa aking ina upang makabawi.
ito ang dahilan kung bakit kahit ipanganak pako nang paulit ulit eh, gusto ko na sila parin ang pipiliin kung mga magulang, sobra sila kung mag alaga, ramdam mo sa kanila ang higit na pag aruga nang isang magulang.

Pa, … Ma,.. pasensya na kung hindi ako yung tipo nang lalaking inaasahan nyo, alam kung pinili ko ito, pero gusto ku lang magpakatotoo, sana wag po kayong magalit sakin, mahal na mahal kupo kayo

Sulat ko sa kanila, na idinikit ko sa aming Ref.. dun lang kasi ang lugar na pinaka pinipuntahan naming sa bahay.

Isang araw, bigla nalang lumapit sa akin ang mga magulang ko at niyakap ako, yakap na ramdam mong alam nilang may pinagdadaanan ka, at ipinapahiwatig sa iyo na nanjan lang sila upang suportahan ka,,,… at dahil sa init yakap na iyon, dahil sa marahang haplos nila sa akin ay bigla nalang bumuhos ang napakarami kung mga luha, gusto kong humingi nang tawad dahil ang kaisa isa nilang anak ay taliwas pa landas na tatahakin..

Sorry Po, I-Im Sorry Ma, Sorry Pa…” kasabay ng isang pag hikbi

You don’t have to say sorry Son; still you’re our precious one no matter what happen, we love 
you remember that thing” ang sabi nang aking ina

Tsaka anak, buhay mo iyan, ang tangi lang naming magagawa bilang magulang mo ay paalahanan at gabayan ka sa desisyon mo” ang sabi naman sakin ni papa

Naganap ang pangyayaring iyon nung high school palang ako.. nung araw na binilhan ako nang aking ama ng bola nang basketball at ayain akung makipaglaro kasama sya, sabay ang pagsang ayon ng aking ina noon na makipag bonding kay papa.

Binitawan ko ang bola, umakto akong masakit ang aking tiyan at nagkulong sa kwarto.. hindi dahil sa ayaw kung makasama ang aking ama, ngunit dahil hindi ako yung tipong atlethic na tao, ayoko nang mga nakakapagod na laro at isa pa, may mga bagay o pangyayari talagang mahirap kalimutan, simula kasi noong araw na iyon, isinumpa kuna ang larong iyan…

Tara Mario, punta tayo sa club house laro tayo ng basketball” pag aaya ng aking kababata noon, kasabay naman ng aking pag sang ayon sa kanya at maaliwalas na ngiti, ngunit habang kasalukuyang naglalaro…

Ano bayan Mario!!!, ang lamya mu naman kumilos,, natatalo na tayo oh!!,” pa singhal na sabi nang kababata ko sa akin

pasensya na, gagalingan ko nalang”  balik ko sa kanya kasabay ang maluha luha kong mga mata,

Para sa akin, nakakahiya ang pagkakataong iyon, nakakahiya dahil hindi ako sanay na sigawan ng kahit na sino, hindi ako sanay ipahiya sa napakaraming tao at nakakahiya kung bakit hindi ko makuha o magawa ang mga bagay na inaasahan nila sa para sa akin.

Brad, ano ba iyang kinuha mo, bakla naman yan ih, sya kaya ang pinupuntirya ng mga kalaban oh!!” sabi ng isang kasamahan namin sa laro na halata namang ipinaririnig talaga sa akin.

hayaan nyo na tol, bawi nalang tayo” Balik na sagot naman ng nag aya sa akin noon.

Oh Tol, bakit ngayon kalang dumating? Badtrip naman oh, matatalo na tayo, Mario, sya nalang muna maglalaro hah, umupo ka muna jan” sabi ng taong kanina lang ay sininghalan ako...

Sige…” sabi ko kasabay ang halo halong damdamin dito sa puso ko.

Gusto ko talagang manapak nang panahong iyon, sapakin ang damulag na nagsabing bakla ako, ang pagpapahiya sa akin nang taong inaya lang naman ako, at ang pagpapaupo nalang sa akin dahil dumating na iyong tunay nilang myembro.

Pakiramdam ko wala akong silbi, pakiramdam ko panakip butas talaga ako noon gusto nang sumabog nang dibdib ko, ayoko don umiyak, nangingilid na ang aking mga luha noon, kaya minabuti kung umalis,.. tumakbo,.. at umiwas sa kanila,.. pumunta ako sa isang parke, isang lugar na pamilyar sa akin, isang luagar na napakarami kong alaala at dun ko isinigaw,,. Iniluha,.. at ibinihos ang lahat,,

Isinigaw ko doon ang aking nararamdaman,, iniluha ko doon ang aking kinikimkim na damdamin kanina pa at ibinuhos sa mga halaman ang aking galit, galit dahil pakiramdam ko ay talong talo ako sa lahat ng aspeto, ni hindi nga lang ako nakaganti o nakabawi at umalis nalang..


“Hoy!!!! Nakatulala ka na dyan… ano ba iyang iniisip mo at napakalalim ata nang kayamanang hinuhukay mo dyan” ang pag gising sa aking nang aking ina sa reyalidad

“Ah, wala yun ma!!” kasabay non ang bigla kung pagyakap ng mahigpit sa aking ina.

“Asus, ang drama ng anak ko, Mag iingat ka dito hah!! Wag mag papagabi at umuwi ka tuwing weekends sa bahay” saad ni mama kasabay nang ilan pang mga tagubilin sa bahay.

“Opo Ma, Ingats po sa pag uwi” muli kung pagpapaalam sa kanya

“Maya maya daw darating na iyong ka boardmate galing probinsya, ibinigay ko yung address kay kumare,, pakitulungan mo nalang at baka marami iyon dala..” muling pagpapaalala sa akin ng aking ina

“Opoh.. Ingats po” sabi ko nalang

Muli akong bumalik sa apartment at ipinagpatuloy ang paglilinis malaki ang bahay, dalawa ang kwarto sa taas, at may maliit na sala doon, maliban pa sa sala na meron dito sa ibaba.

“Hay, nakakapagod naman kung ganito kalaki ang lilinisin ko” pagrereklamo ko habang nakahiga sa kama ko, gusto kung tawagan si Aiza at papuntahin para ipagmalaki sa kanya ang tinitirhan kung apartment, wala pa kasi ni sino man ang nakakaalam na ako ay nag bo-board na malapit sa aming eskwelahan.

Ngunit, Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nakatulog sa sobrang pagod sa paglilinis, hanggang…...


“Bakit may maingay sa pinto, sino ba iyang kumakatok? Istorbo naman sa paglutog ko…”
Bigla akung nagulat at napatayo “hala!!! naalala ko, may kasamahan pala ako sa bahay na ito,, patay,, kanina pa ata sya sa labas, nakakahiya” dali dali akong bumaba upang buksan ang pinto.

Nung pagbukas ko ng pinto…





“Ikaw?” sabay naming pasigaw na sabi sa isat isa…






Itutuloy……

No comments:

Post a Comment