Monday, April 8, 2013

More Than Words 1 (2)

Hi guyz..

Before anything else.. sa mga nagbabasa ng blog na ito (kung meron man..) at sa mga magbabasa palang, pasensya napo kung halos buwanan ako kung mag update... grabe.. nagsisisi ako kung bakit hindi ko muna tinapos yung storyline at mag post nang mag post nalang for updating diba... ngayun kasi.. kung ano man yung pinakahuli kung post ay sya narin ang pinakalatest kung gawa... well lahat naman ay naka store sa utak ko.. the matter is,, super busy nang shedule ko (Libangan ko lang kasi talaga to) at pasensya narin kung sobrang dami nang typographical errors, wala eh.. puyat ko ginawa.. sorry din kung hindi maganda... hindi naman talaga ako writer at ito ang pinakauna kung gawa,,. bukas po ang comment box, para sa mga suggestions and critics ninyo, comment nalang po kayo kung ano ang mga dapat kung baguhin.. pansin ko kasi.. masyadong mahaba.. nakakawala ng interest kapag ganun..  sa kabuuhan "Sorry po".. hehehe -

Mharvs :-)

                                                                                                                    xXx ~ xXx


“Ikaw?” sabay naming pasigaw na sabi sa isat isa…


“Anung ginagawa mo dito” bigla kung pagkakasabi sa taong kaharap ko ngayon.

“Grabe naman Mario, ngayon lang uli tayo nagkita parang gusto muna akong pauwiin agad, hindi mo ba muna ako papasukin sa bahay? Nag bayad din naman ang pamilya ko dito ah” saad ng isang lalake sa aking harapan.

“P-Pasok ka!!! dito kana pala mag aaral, kala ko naman kung sino na ka board ko…” saad ko sa kanya.

“Ayos naman ako,. Mabuti… salamat sa pagkamusta hah!!!” isang pang aalaska nyang sagot sa akin nang nakita niya akong nakabusangot na ang mukha at hindi talaga inaasahang ang isang katulad nya na bumalik pa…


Si Eugene Timothy Santos, ang kababata ko….


Mario, bakit ka umalis don?” saad ni Timo, sa akin nang naabutan nya akong naka upo sa damuhan nang parke, matapos kung umiyak nang sandaling iyon.

Masama pakiramdam ko eh” pagdadahilan ko sa kanya.

Sus, Napikon ka lang ih…” isang pang aalaska nya sa akin, kasabay nang pag upo nya, sa tabi ko..

Eh,. Alam mo naman pala eh!!, nagtatanung kapa…” balik na sagot ko sa kanya.

Pero alam mo ba Mario, kahit ako nagdududa narin eh, bakla kaba?” isang walang preno nyang tanung sa akin, na ikinatahimik ko nang sandali.

Nung mga sandaling iyon, nanahimik ako, hindi ako makasagot, sa kadahilanang ako mismo ay naguguluhan pa sa aking sarili..

Bakla nga ba ako? Pano kung ganun nga, ano nalang ang magiging reaksyon nilang lahat? Ayokong pagtawanan” isang malalim na pag-iisip ko habang katabi sya.

Hindi ah!! Ganito lang talaga ako.. gagu ka ah.. pinikon nyo nako kanina, wag nyo nang dagdagan” sabay ang isang mahinang suntok ko sa kanyang braso upang makabawi man lang sa kanya.

hehehe,, biro lang ikaw naman, pikon ka talaga” sabay ang isang bungisngis sa kanyang tawa.

eh, pano kung bakla nga, anong gagawin mo” wala sa isip kung pagkakasabi sa kanya, ako man din ay biglang napaisip kung tama ba ang aking sinabi, kasabay noon ay humiga ako sa damuhan mula sa pagkakaupo ko lamang kanina.

Bigla syang napatingin sa akin ng seryoso, wari ba ay sinisukat nya kung ako ay nagloloko lang, sabay ang pagtingin nya sa malayo.

wala… eh yan ka eh, anung gagawin ko!” sabay narin ang paghiga nya sa damuhan

tara na nga, gumagabi na oh!!! Hahanapin nako ng mga magulang ko” bigla kung saad sa kanya, sa mga oras na kasing iyon, pilit ko nang iniiba ang tema nang aming usapan, ayoko kasing mapalalim at kung san pa iyon mapunta, pikunin kasi talaga ako.

“teka, teka, teka!!! Isang tanung nalang, bakit ka naman nagging bakla? at sino ang naging crush mo dito sa atin? Malay mo kaibigan ko pala, matulungan pa kita” kasabay nang pag chest out nya sa kanyang dibdib, ang kampante niyang mukha at tiwala sa sarili na bumabahid sa kanya nang araw na iyon.

“Baliw… wala noh..” sabay ang pagmamadali kung paglalakad, narinig ko syang tumatawa na naiwan sa parke.


Kinagabihan, hindi rin maialis ang ngiti sa aking mukha, dahil may isang tao na nagpakatotoo ako sa kanya at hindi alintana ang maaaring panghuhusga sa kinalabasan ng aking sinabi.

sige na, sino ang crush mo?” paulit ulit na kumintal sa aking isipan ang mga tanong nyang iyon sa akin.

Ikaw, adik kaba.. o mahina lang ang iyong pandama” sagot ko sa aking sarili….


Hoy, Mario… Hoy!!!” muling paggising sa akin ni Timo, sa reyalidad.

“kanina pa kaya ako nagsasalita dito, Ttsskk!! Dika parin nagbabago, ang hilig mung matulala” sambit nya sa akin, nung nakuha na nya ang aking atensyon.

“Ano ba kasi iyang sasabihin mo” pagtatanung ko sa kanya.

“asan ang kwarto ko?”


Itinuro ko sa kanya ang kanyang magiging silid, inilibot ko narin sya sa bahay.
Tulad parin ng dati, halos apat na taon na nung huli ko syang nakita pero nandyan parin ang mga katangian nya.

Katangiang hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko sa kanya at syang dahilan kung bakit mahal ko sya, mga bagay na maaaring hindi nya rin pansin sa kanyang sarili.

“Bakit, nagsasalubong iyang kilay mo at humahaba yung nguso mo sa tuwing may iniintindi kang isang bagay?” pagtatanung ko sa kanya nung mga bata pa kami.

talaga?, pangit ba?” 

Uhhmm, OO” sambit ko naman sa kanyang tanong.

Biglang kumunot ang kanyang noo at tila ba may masama na namang binabalak sa akin, ikinagulat ko ang kanyang pag hablot at biglang paglamutak nya sa aking mukha, pilit nyang pinapapangit ang mukha ko ng kanyang dalawang kamay.

Ikinahalagakhak ko ang pagkakataong, naghaharutan kami, napikon nanaman ang loko, kumawala ako ngunit pilit nya parin akong hinahabol.

Bleehh,, mukha kang asungot.. whahaha” pang aasar ko sa kanya.

“halika nga dito, kapag nahuli kita, kawawa iyang mukha mo” sabi nya sa akin na aktong hahabulin naman ako.

Bigla akung napangiti nung naalala ko ang mga sandaling iyon, 
sadyang mga bata pa talaga kami noon, walang pakialam sa mundo, sabay naming ginagawa ang mga kalokohan sa paligid, kung anung meron sya, dapat ay meron din ako. Kilala na sya ng mga magulang ko, wala na nga syang pakialam kung maglabas masok man sya sa kwarto ko dati, 

hinihila nya ko sa tabi nya sa oras na ibubuhos na nya ang isang tabo ng tubig sa tuwing magkasabay kaming naliligo ng nakahubot-hubad, para siguro sa kanya ay wala iyon, ngunit ang mga simpleng samahan namin dati ang naghubog sa akin sa kung ano ako ngayon, yun ang mga bagay kung bakit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay sya ang nagsilbi kung pamantayan sa pagpili ng pag-ibig.

Ngayon, eto malalaki na kami. Natuwa man ako dahil sya ang kasamahan ko sa bahay ngunit hindi parin nito maiwawaglit ang pag aalalang nabubuo sa aking isipan, 

Hindi na kami mga bata, isa na syang matikas, gwapo at matipunong lalaki na tiyak na pagkakaguluhan sa eskwelahan, at ako eto, kuntento na sa kung ano ang nariyan sa akin, ayoko nang sa akin nakasentro ang ilaw o atensyon, simpleng tao lang ako, isang perpektong kabaliktaran nya ngayun. 

Kinagabihan din nung araw na iyon ay pinili nyang kumain sa labas, may tatagpuin daw syang mga barkada nya rito, kinuha ko ang pagkakataong iyon para tawagan sa telepono ang aking ina


Kring… Kring…Kring…


“Oh, anak.. kamusta?.. dumating naba ang ka board mo? Anung pangalan nya?” tanung sa akin ng aking ina, nung sagutin nya ang tawag ko..

“Hay naku ma, wag ka ngang umakto na hindi mo sya kilala” sagot ko naman sa kanya

“Hihihihi… para may trill diba.. Ohh edi nagulat ka ngayun” pagpapaliwanag nya sa akin.

“Ang hirap talaga magpalaki ng magulang,, haiyzt…” sambit ko sa kanya

“Batukan kaya kita jan, loko kang bata ka ah. Pumayag ako kasi matagal mo nang kilala iyang taong iyan, pauwiin kaya kita dito”.

“Eto naman di mabiro,, hehehe ok lang ako dito ma, salamat sa suporta hah”

“Oh sige, at may gagawin pa ako.. bye” at bigla nyang pinatay ang telepono nang hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos.

“Hmpf, talaga naman oh” Isinalampak ko nalang ang aking sarili sa sofa, nainip ako kaya naisipan kung lumabas at bumili sa pinakamalapit na convenient store.


Sa aking paglalakad ay nakita ko si Timo, kasama nang ilang grupo nang kalalakihan at kababaihan na mukhang kakatapos lang sa isang kasiyahan, bigla akung naging alerto at itinago ko nalang ang aking sarili upang hindi ako mapansin o Makita.


“Teka nga, bakit ako nagtatago?, anung kasalanan ko? So what kung Makita nya ko?”

Pero sa pagdadahilang iyon ay hindi ko parin makuhang lumitaw, nilakasan ko nalang ang aking sarili na salubungin sila, ang intension ko lang naman eh, bumili nang kutkutin sa bahay at wala nang iba.

Habang nilalakasan ko ang aking loob sa paglalakad, ay nakita ko si Timo, kaakbay ang isang magandang babae at hinahalikan nya ito sa pisngi.

“So What?, lasing na atah si mokong, ang landi” dipensa ko sa aking sarili.

Palapit na nang palapit ako sa kanila, malapit narin ako sa aking pupuntahang convenient store, nakita nya ako na naglalakad pasalubong sa kanila, Oo kitang kitang nya ako, ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari ay nilagpasan nya lang ako na parang hangin, na tila bay hindi nya talaga ako kilala, napalingon ako nung nakalagpas na sya sa aking likuran. Hindi ko man aminin ngunit, nasaktan din ako sa ginawa nya.

“ayos yun ah, parang wala lang, grabe” habang papasok sa bibilhan ko, iniisip ko kung ano ang problema nya, sa aktong hindi nya pagkibo sa akin.

bumili ako nang pagkain habang iniisip na hindi ko naman kailangan maapektohan.

umuwi ako sa boarding house, nakita kung nakabukas ang kwarto niya, naroroon na ang mokong, ngunit ramdam kung hindi lang kaming dalawa ang tao doon, may isang matinis na boses akung napakikinggan.



itutuloy.....


Mharvs :-)

No comments:

Post a Comment